Julia, Joshua reunited

Kinilig ang mga fans ng dating sweethearts at screen partner na sina Julia Barretto at Joshua Garcia nang makita ang dalawa na magkasama sa isang shoot sa ABS-CBN.

Ang eksena ay nangyari sa shoot ng Christmas Station ID ng ABS-CBN.

Julia Barretto & Joshua Garcia
Julia Barretto & Joshua Garcia (IG)

Kumalat sa social media ang mga picture at video ng ex-couple na magka-partner sa station ID.

Kaya naman maraming fans ang kinilig at umaasang magbalikan ang dating magkasintahan at magka-loveteam.

Sa video ay makikita pa rin ang sweetness ni Joshua habang hindi naman maitago ang pakailang ni Julia.

Well sana nga ay magkabalikan ang dalawa kahit screen partners dahil marami naman talaga silang pinapakilig na mga fans.