Julia in-unfollow si Joshua, Janella sa IG

Napansin ng ilang netizens ang pag-unfollow ni Julia Barretto sa kanyang ex-boyfriend Joshua Garcia at kaibigan na si Janella Salvador sa Instagram.

Hindi malinaw ang dahilan kung bakit ginawa ito ni Julia.

Joshua Garcia & Janella Salvador

Wala na rin ang pictures nina Joshua at Julia sa feed ng huli.

Nitong Sabado, January 11 ay nagkita pa ang sina Joshua at Julia sa press conference ng ‘Block Z’ movie.

Noong Linggo, January 12, nag-post si Joshua ng pictures nila ni Janella na may caption na “I am lucky to have a friend like you.”