Home Entertainment Celebrity Julia buntis daw kay Gerald

Julia buntis daw kay Gerald

Julia Barretto buntis

BUMULAGA ngayong araw, Setyembre 21 ang balitang buntis diumano ang anak ng komedyanteng si Dennis Padilla kay Marjorie Barretto na si Julia.

Ang pasimuno ng balita ay ang beteranong broadcaster na si Jay Sonza.

Ibinalita ni Sonza ang impormasyon sa kanyang Facebook account kung saan ay binabati niya ang kapitbahay sa Congressional Village sa Quezon City na si Julia.

“Congratulations sa aking kapitbahay sa Congressional Village, Bahay Toro, Quezon City,” bahagi ng mensahe ni Jay.

“Napatunayan nina Visoy (Visayan tisoy) Gerald Anderson at anak nina Dennis Padilla at Marjorie na si Julia Barreto na kapwa hindi sila baog,” ayon pa kay Sonza.

Tsika pa ni Sonza, si Julia ay nabuntis nitong lockdown.

“After months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) may nabuo sa sinapupunan ni Julia,” ani Jay.

“Nahinayak ang batang Dadiangas. Nasiyot man jud oi. Kapugngan pay tren dili ang gugmang gauros uros tawon. Happy Monday po. Makikibalita ako kung kailan ang kasal sa aking neighbor,” dagdag nito.

Nauna rito ay sinasabing naispatan sina Gerald at Julia na magkasama sa resort ng aktor sa Zambales.

Wala pang kumpirmasyon ang dalawang kampo sa pasabog ni Sonza pero ang Star Magic ay agad na tumanggi sa isyung buntis si Julia.