Julia Barretto nakatanggap ng Silver Play Button

Natanggap na ni Julia Barretto ang kanyang YouTube Silver Play Button.

“This came in really, really late. It just arrived yesterday but it’s still worth celebrating,” sey ng actress sa latest vlog.

Nagbibigay ang YouTube ng Silver Play Button sa mga content creators na mayroong 100,000 subscribers sa kanilang channel.

Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 350,000 si Julia sa kanyang nine-month-old channel.

“I just wanna say thank you for keeping up with me and I hope that I will be able to provide more videos that can hopefully entertain, can help you in some way or inspire in some way.”

Ang unang vlog ni Julia ay noong Setyembre sa behind-the-scenes ng kanyang preparation para sa 2019 ABS-CBN ball.