Julia Barretto nag-sorry sa eskandalo sa burol ng lolo

Na-cremate na ang lolo ni Julia Barretto na si Miguel sa Heritage Memorial Park.

Kaya naman labis ang paghingi ng paumahin ni Julia sa lahat ng kaguluhang nangyari sa burol ng kanyang lolo na ‘Pikey’ kung tawagin nya.

Gayunman ay nangako itong susuporta sa anumang hakbang na gagawin ng kanyang inang si Marjorie.