Julia Barretto nag-shoot ng movie habang lockdown

Sinagot ng pamilya Barretto ang sekreto sa pagiging matatag nilang pamilya sa kabila ng mga kontrobersiya na kanilang kinakaharap at pagsubok dulot ng COVID-19 pandemic.

“I think we are each other’s rocks. I think we are each other’s anchors. That why it’s so hard for the waves to take us with it,” sey ni Julia sa interview nito sa online show ni Tim Yap.

Kasama rin sa interview sina Marjorie, Dani at Claudia.

Para kay Julia, ang mahalaga lamang ay ang kanyang mommy at mga kapatid.

“The bashings, technically, those things don’t really matter, especially if they come from people who don’t really know, don’t know the story, don’t know us personally… It’s what they feel, it’s what they think, it’s their opinions.”

Napabilib din si Tim kung paano nakapag-shoot ng film si Julia nang mag-isa.

“Actually, it was a really good experience because I did everything on my own. I wasn’t even able to ask help from anybody,” pagbabahagi nito.

Dahil dito, na-appreciate pa ng aktres ang mga nasa likod ng filmmaking.

“A project won’t really be successful without each one of us, the people who play our part in the movie.”