Tinanghal na best actress si Judy Ann Santos sa 41st Cairo International Film Festival na ginanap sa Cairo Opera House sa Egypt.
Napisil ng Cairo jury sa pangunguna ni Oscar-winning U.S. writer-director Stephen Gaghan, si Judy Ann Santos bilang best actress sa kanyang pagganap sa melodrama na pelikulang “Mindanao.”
Ang nasabing pelikula ay dinirek ng award-winning filmmaker Brillante Mendoza at sinulat ni Honee Alipio ay nagwagi ring Henry Barakat Award sa Best Artistic Contribution.