Juan Ponce-Enrile buhay pa, walang COVID-19

Tinuldukan ni former Senate President Juan Ponce Enrile ang mga tsismis na positibo siya sa coronavirus (COVID-19) at namayapa na.

Sinagot ng 96-year-old sa kanyang Facebook account ang mga netizens na laging tinatanong kung nasaan ito.

Juan Ponce-Enrile rumors

“Some people are asking if I am dead, or if I have COVID 19. Well, I am sorry to disappoint the rumormongers. I am still alive, and I do not have COVID 19.”

Naging paboritong topic si Enrile nga mga netizens dahil sa pagiging ‘living legend’ nito sa kabila ng paglaganap ng coronavirus.