Joyce Pring, Juancho Trivino ikinasal na

Pinakita ng bagong kasal na sina Joyce Pring at Juancho Trivino ang kanilang first selfie as a married couple.

Juancho Trivino Joyce Pring nuptial

Sa Instagram stories ni Juancho, makikita ang litrato nila ni Joyce na pinapakita ang kanyang singsing, pagkatapos ng seremonya.

Ikinasal ang dalawa nitong Linggo, February 9 sa isang garden wedding sa Sofitel Philippine Plaza, Pasay City.

Na-engage ang dalawa noon pang Agosto pero inanunsiyo lang nila ito ng Nobyembre.