Ilang larawan ang kumalat sa social media nakaraang weekend kung saan ay tampok ang aktor na si Joshua Garcia.
Escort ang aktor na dating karelasyon ng aktres na si Julia Barretto sa isang debut sa isang mamahaling hotel sa Clark Pampanga.
Ginawa ang debut sa Marriot Clark, Angeles City, Pampanga. Ang debutante base sa Facebook account ng inieskortan ni Joshua ay isang ‘Tine Lim’.
Dahil sa paglutang ng aktor sa isang private event ay bulung-bulungan kung ang babaeng debutante na nga kaya ang ipinalit niya kay Julia Barretto.