Joshua Garcia kaibigan lang si Janella Salvador

Iginiit ni Joshua Garcia na magkaibigan lang sila ng kanyang ‘Killer Bride’ co-star Janella Salvador.

Maraming rumors ang nagsasabi na mag-jowa na ang dalawa matapos ang kanilang successful loveteam na ‘JoshNella’.

Joshua Garcia Janella Salvador JoshNella

“Sobrang close lang talaga naming magkaibigan,” sey niya sa interview niya sa Tonight With Boy Abunda.

Ngunit sa after-party ng kanilang teleserye, tinawag ni Joshua na ‘baby’ si Janella.

Nag-post din ito ng pictures nila sa Instagram at gumawa rin ng appreciation post si Janella.

Marami umano silang similarities ni Janella kaya mas gugustuhin ni Joshua na maging kaibigan ito habang buhay kaysa maging girlfriend.