Joshua Garcia, Janella Salvador balik-tambalan sa MMK

Balik TV screen ang JoshNella loveteam para sa Maalaala Mo Kaya (MMK) episode ngayong darating na Sabado, February 22.

Sa ABS-CBN report, dumaan ng workshop ang dalawa para sa kanilang cheeleader roles.

JoshNella MMK

Ang kuwento ng MMK ngayong Sabado ay tungkol sa dalawang kabataan na nagtapo sa cheerleading.

Binahagi ng official MMK Instagram account ang rehearsal pictures ni Janella at Joshua.

Ito ang kanilang unang reunion project matapos ang thriller-drama series na Killer Bride.