Isang linggo matapos sorpresahin ni Joseph Marco ang kanyang beauty queen girlfriend na si Celeste Cortesi ng bouquet of roses nang walang dahilan, hindi paawat ang aktor sa pag-post ng sweet photos nilang dalawa.
Nitong Biyernes, ibinahagi ng aktor ang picture nila ni Celeste habang naghahalikan sa isang restaurant.
“Hard to sit here and be close to you, and not kiss you,” caption ng aktor sa kanyang Instagram post.
Pinakilala ng aktor ang beauty queen bilang kanyang girlfriend noong October.
Si Celeste ay representative ng bansa sa 2018 Miss Earth international pageant.