Jose Mari Chan nangaroling sa LRT-1

Kakaibang gimik ang paandar ng pamunuan ng LRT-1 ngayong nalalapit ang panahon ng Kapaskuhan.

Nangaroling lang naman ang singer composer na si Jose Mari Chan sa isa sa mga bagon ng LRT-1.

Makikita ang tila pangangaroling ni Jose Mari Chan sa bagon sa ibinahaging video ng LRMC na kumalat naman sa social media.

Maliban sa gimik na caroling ay may mga Christmas decor din ang ilan bagon ng LRT-1 na swak sa mga mahilig mag-selfie.