Jolo Revilla at beauty queen girlfriend kinasal na

Kinasal na ang aktor at Vice Governor ng Cavite na si Jolo Revilla at ang kanyang girlfriend na si Binibining Pilipinas 2016 na first runner-up na si Angelica Alita sa California, USA noong Linggo, Disyembre 15 (Lunes sa Pilipinas).

Ibinahagi ng ama ni Jolo na si Senator Bong Revilla ang kanilang kasal sa pamamagitan ng Facebook livestream.

Kabilang sa mga bisita ay sina Davao City Mayor Sara Duterte, House Majority Leader, Leyte Rep. Martin Romualdez, Cavite Vice Governor Jonvic Remulla at dating senador Jinggoy Estrada.

Kinumpirma ni Jolo noong Agosto na siya ikakasal kay Alita.