Aalisin na ng Jollibee ang kanilang famous Champ burger sa kanilang menu, ayon sa official statement na inilabas nito noong Huwebes.
Mayroon umano silang inihandang bago sa kanilang burger line para sa kanilang mga customer.
Sa pagkawala ng Champ burger, inaanyayahan ng Jollibee na tangkilikin ang iba nilang burger katulad ng double patty Yumbugers.
May posibilidad naman itong ibalik sa kanilang menu dahil sa pagsasailalim nito ng review sa kanilang mga produkto para maabot ang customer demands.
Hindi naman isinaad kung kailan epektibo ang pag-alis ng Champ sa menu.