Nag-warning si actress-TV host Jolina Magdangal sa kanyang followers dahil na-scam siya matapos subukang bumili ng cactus.
Ikinuwento ni Magdangal ang kanyang di magandang karanasan sa Instagram.
Una, pinasalamatan niya ang isang plant seller for good transaction, kasama ang picture ng ‘Golden Barrel’ cactus na binili dito.
“To @thepeapot Maraming maraming salamat sa pagiging generous sa akin. Panatag ang loob ko pag sayo nanggagaling ang mga plants ko dahil alam kong naalagaan mo na bago mo ibenta o ibigay,” sey niya.
Pagkatapos niyang i-commend ang nasabing seller ay ikinuwento naman niya ang bad experience niya sa isa pang seller na ini-scam siya.
“Last Sunday, na SCAM ako ng isang seller ng mga cactus sa [Facebook] Marketplace, sa kagustuhan ko makabili ng Golden Barrel, may isang seller na nagbebenta ng sobrang mura. Bumili tuloy ako sa kanya ng 3 gb at 7 pang kakaibang cactus,” kuwento niya.
Naging smooth ang transaction at nakapagbayad sila through GCash. Huling mensaheng natanggap ni Jolens sa scammer ay tungkol sa delivery ng order.
“Kung sino ka man ‘Samantha’ (yun ang gcash name nya, hindi ko alam kung yun talaga name nya), maawa ka naman sa mga taong ninanakawan mo ng pinaghihirapang pera. Alam kong mahirap ang buhay ngayon pero hindi yan ang paraan para kumita ka.”