Johnson baby powder natuklasang may asbestos

Ipina-recall ng Johnson & Johnson ang 33,000 botelya ng baby powder na naibenta sa US dahil sa natuklasang may halo itong asbestos.

Ang mga apektadong baby powder ay minanufacture nakaraang taon.

Ang asbestos ay natuklasan sa mga naibentang baby powder ng J&J sa product test ng Food and Drugs Administration (FDA).

Ang asbestos ayon sa FDA na nakukuha sa mga building materials at industrial applications ay isang uri ng carcinogen na maaaring magresulta sa kamatayan sa sinunang gagamit nito sa pamamagitan ng mesothelioma.

Ayon sa ipinalabas na pahayag ng J&J kanilang aalamin ang ulat ng FDA na tinawag din nila bilang “extremely unusual.”