John Prats, Isabel Oli magkaka-baby girl ulit

Inanunsiyo ni celebrity couple Isabel Oli at John Prats na madadagdagan ulit ang kanilang pamilya.

Sa kanilang newest vlog, binahagi nila ang gender reveal party ng kanilang ikatlong anak na ginanap noong February 14.

“Actually sinabi ko kina mommy at daddy na okay na ako sa dalawang anak, pero kung bibigyan pa kami, mas okay. Hanggang sa dumating ang isa pang pagkakataon. Biniyayaan kami ng isa pang bata. Ito si Baby #3. Ano handa na ba kayong makilala siya? Ladies and gentlemen, ito na po ang aming Baby #3. It’s a baby girl,” pagbabahagi ni John Prats sa video.

Ikinasal ang dalawa noong 2015 at mayroon ng dalawang anak.

Ang kanilang eldest na si Lily Feather ay 4 years old at si Freedom ay magto-two years old ngayong November.