Shaved head ang bagong look ni John Lloyd Cruz at bet ito ng mga netizens.
Spotted ang 37-year-old actor habang suot ang white shirt and shorts sa Rompeolas, Sorsogon.
Unang kumalat ang photos ni John Lloyd na kalbo sa Facebook page ng Faces of Sorsogon noong Monday, March 15.
Nasa lock-in taping ngayon ang aktor para sa Lav Diaz film Servando Magdamag, na inaasahang magsho-showbiz comeback after mag-hiatus noong 2017.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpakalbo si Lloydie para sa role.
Kinalbo niya ang sarili para sa isang scene sa 2015 film Honor Thy Father na directed by Erik Matti.