John Lloyd, Bea sila nga kaya ang forever?

Nagpakilig ang isa sa paboritong loveteam ng bansa na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa katatapos na Valentine’s Day.

Ang dalawa ay nagsama sa ginanap na ‘live script reading’ ng ‘That Thing Called Tadhana’ sa Ayala Triangle.

Ang nasabing event ay first major public appearance sa showbiz ng aktor na tila hudyat na nga ng kanyang pagbabalik sa showbiz matapos ang relasyon kay Ellen Adarna.

Kaya naman sobrang kinilig ang kanilang mga fans na matagal nang nag-aabang na magkaroon ng comeback movie ang loveteam.

Sa Instagram post ng StarMagic Philippines kung saan makikitang magkasama ang dalawa ay hindi maiwasan ng mga netizens na magkomento.

Karamihan sa mga nag-comment sa nasabing IG post ay pagka-excited sa balik-tambalan nina Loydie at Bea.

May nag-comment sa nasabing post na baka naman sina Be at John Lloyd ang nakatadhana.

“Ano kaya kung at d end sila talaga ang itinadhana ? Posible pa kaya?” komento ng isang netizen.

“Sana kayo na lang.. Kayo na lang forever and ever Popoy and Basha,” pangangantiyaw naman ng isa pang follower ng StarMagic sa IG.