John Lloyd at Boy, may eksklusibong kwentuhan sa “The Best Talk”

Humanda na sa isang matinding kwentuhan kasama ang special guest na si John Lloyd Cruz sa bagong episode ng “The Best Talk” ni Boy Abunda na mapapanood sa Sabado, 9 pm sa Pinoy livestreaming app na Kumu.  

Ka-abang-abang ang magiging usapan ng dalawa online dahil si John Lloyd mismo ang magbabato ng mga nakakapukaw na tanong sa King of Talk.

Tinaguriang ‘show for a cause,’ muling ilalaan ni Boy ang kanyang virtual gift earnings mula sa inaabangang episode para sa kawanggawa.

Noong Sabado, nakipagkwentuhan ang Kapamilya host kina Kakai Bautista, Sky Quizon, KD Estrada, at Elmo Magalona, at inalay niya ang gift earnings ng nasabing episode sa organisasyong Kabataan sa Kartilya ng Katipunan (KKK) na gagamitin ang pondo para tumulong sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Ulysses.

Kakalunsad lamang noong Oktubre, ang “The Best Talk” online show ay nagtampok na rin kina Kisses Delavin, Ai-Ai delas Alas, Darren Espanto, Jayda, at Ryan Bang bilang guests noong mga nakaraang Sabado.

Isa ito sa mga dapat abangang programa sa ilalim ng FYE Channel, na nagpapalabas ng iba’t ibang entertainment at lifestyle programs tampok ang Kapamilya streamers sa Kumu araw-araw.

Makibahagi sa live chat nina Tito Boy at John Lloyd sa darating na Sabado, 9 pm sa “The Best Talk” sa FYE Channel at may simulcast din sa Facebook page at YouTube channel ng Cinema One. Mag-download na ng Kumu app at sundan ang FYE Channel (@fyechannel). Para sa updates, sundan ang ABS-CBN PR sa Facebook (www.facebook.com/abscbnpr), Twitter at Instagram (@abscbnpr) o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.