Umani ng negatibong reaksyon ang banat ni Joey de Leon sa isang segment ng noontime show na Eat Bulaga nitong Martes, January 7.
Sa ‘Bawal Judgemetal’ segment, isang flight attendant na si Danna Rose Socaoco ang biniro ni Joey na “sana masakyan kita balang araw” matapos purihin nito ang kanyang biyas.
Trending si Joey sa Twitter dahil sa double meaning niyang biro sa telebisyon, na hindi naman unang beses nangyari sa host.