Joe Jonas napansin si Blackpink Rose

Isang lumang video ni Blackpink member Rosé na kumakanta ng “When You Look Me in The Eyes” ang nakita ni Joe Jonas.

Nag-viral ang pre-debut cover ni Rosé sa Twitter at nag-reply si Joe ng “So Cool!” na umani ng 14,000 hearts at 23,000 retweets.

Si Joe Jonas ay isa sa miyembro ng Jonas Brothers na kumanta ng nasabing awitin.

Ni-release ng Jonas Brothers ang kanya noong 2007, mahigit 10 taon bago nag-debut ang Blackpink under YG Entertainment.