Jodie Tarasek may birthday message kay BF Paulo Avelino

Nag-post si Filipina-Australian model Jodie Tarasek ng kanyang birthday message sa kanyang boyfriend na si actor Paulo Avelino.

Sa kanyang post nitong Miyerkoles, binahagi nito ang kanilang cute at candid pictures.

Paulo Avelino Jodie Tarasek

“Happy birthday to my bestfriend for life. My pimple popper, my translator, my voice of reason. You have the biggest heart, you are passionate and you are so much more than what the world knows. No amount of words can explain how thankful I am that you forced me to be your girlfriend. I know you can, will and continue achieve great things because you are YOU.”

Nag-celebrate ng kanyang 32th birthday ang aktor noong May 13.

Tatlong taon na rin ang relasyon ng dalawa ngunit napanatili nila itong pribado.

Ang una nilang public appearance ay noong 2017 Star Magic Ball.