Jobless Pinay sa Dubai pinarangalan

Isang Pinay na walang trabaho na naninirahan sa Dubai ang namimigay ng mahigit 200 libreng pagkain sa mga walang ring trabahong migrante bunsod ng COVID-19 pandemic ang pinagkalooban na makapagluto pa ng 10,000 meals para sa kanyang proyekto.

Si Feby Cachero Baguisa-Dela Peña ay nakatanggap ng donasyon sa Emirates Loto sa paggunita ng Araw ng Kalayaan sa Pilipinas noong Hunyo 12.

Ayon sa report ng Khaleej Times, simula noong Eid Al Fitr ay nagpapakain si Feby ng mahigit 400 katao gamit ang kanyang sariling bulsa kahit may tatlo rin itong anak at walang trabaho.

“She buys over 50kg of rice, 60kg of chicken, and nearly 25 dozen eggs to cook two meals a day. People in need can pick up the food directly from her apartment, practising social distancing at all times. But for some expats who cannot afford to pay for transportation, Feby personally delivers the free meals to their homes in Dubai’s Satwa area.”

Noong una ay nakadepende si Feby sa kinikita ng kanyang asawa. Kalaunan ay marami na ang nagdo-donate sa kanyang proyektong “Ayuda”, isa na rito ang isang pamosong Emirati blogger na nagbigay ng 10,000 dirhams.

Nasa 200 jobless migrants ang natutulungan ng kanyang proyekto araw-araw.

“It’s a big thing if you can help like 10 people not to sleep hungry,” saad ni Feby.