Nag-file ng kaso sa Department of Labor and Employment (DOLE) si showbiz news anchor Jobert Sucaldito laban sa radio station DZMM, Marso 4.
Ang kaso ay tungkol sa ‘unlawfull dismissal’ nito sa kanyang programa tungkol sa controversial rant niya kay Nadine Lustre nitong January 2020.
Sa interview ng PEP, sinabi ni Jobert na binigyan siya ni DZMM station manager Marah Capuyan ng sulat sa kanyang suspension sa programa, without pay, sa paglabag ng Standards and Ethics Manual ng ABS-CBN.
Kahit hindi pinirmahan ng showbiz anchor ang sulat, ‘di na siya pinayagang makabalik bilang host ng Showbuzz.
Sa tulong ng kanyang abogado na si Atty. Ferdinand Topacio, isang sulat na naka-address kay Capuyan ang kanilang ipinadala para ibalik si Jobert at kung hindi ay magsasampa sila ng kaso.
Walang tugon silang natanggap kaya nagsampa na ito ng kaso sa DOLE.
Wala pang komento ang DZMM tungkol sa isyu.