Joaquin Phoenix, Rooney Mara magkaka-baby na

Joaquin Phoenix Rooney MaraMagkakaroon na ng panganay ang ‘Joker’ actor Joaquin Phoenix at ‘The Girl with the Dragon Tattoo’ star Rooney Mara.

Ayon sa mga ulat, anim na buwang buntis na ang girlfriend ng Oscar Best Actor winner.

Sa ngayon ay namamalagi ang dalawa sa Los Angeles sa gitna ng quarantine period sa coronavirus pandemic.

Nagsimulang mag-date ang dalawa ng mag-reunite sila sa ‘Mary Magdalene’ movie. Noong July 2019 naiulat na naengaged ang dalawa.