JM de Guzman, Kiko Estrada pumasok ng PH Air Force

Sasabak sa military training bilang reservist sina Kapamilya actors JM de Guzman at Kiko Estrada sa Philippine Air Force (PAF).

Ginawa na nila ang unang hakbang nitong Lunes, Marso 9 sa PAF Officers Clubhouse, sa loob ng Villamor Airbase, Pasay City.

JM de Guzman Kiko Estrada

“Me and Kiko Estrada learning courtesy and drills. First step on our way to reserve,” post ni JM sa kanyang Instagram account.

Ilan sa mga celebrities na parte ng reserve force ng bansa ay sina Navy reservist Dingdong Dantes at Army reservist Matteo Guidicelli.