JLaw ikakasal na!

Ikakasal na ang The Hunger Games star na si Jennifer Lawrence ngayong weekend sa Rhode Island sa kanyang fiancé na si Cooke Maroney.

Ayon sa mga ulat, ang kasal ay gagawin sa isang luxurious mansion–sa Belcourt of Newport sa Rhode Island kung saan may 150 pamilya at mga kaibigan ang imbitado.

Sina JLaw at Maroney ay naging engaged noong February lamang. Si Maroney, 33, ay kilala umano sa larangan ng arts sa New York.

Direktor ito ng Gladstone 64, isang art gallery sa Upper East Side ng Manhattan.

Magkapareho raw ng interes sina JLaw at Maroney dahil kasama ang arts at culture sa kanilang mga interes.

Bago nagkakilala sina Maroney at Jennifer, naging engaged muna si Jennifer sa film director na si Darren Aronofsky na naging director ng kanyang pelikulang “Mother” noong 2017.