JK Labajo ayaw na makita ang tatay

JK LabajoNapagdesisyunan na ni Juan Karlos “JK” Labajo na itigil na ang paghahanap sa kanyang biological father.

Noong Huwebes, April 2, nagbakasali ang singer na mahanap ang kanyang ama at pinoste nito ang kanyang litrato nito sa Instagram.

“Missing person. please e-mail me if found,” caption nito sa post ng deleted picture na ngayon.

Sa kanyang Instagram stories binuhos ni JK ang kanyang nararamdam para sa ama.

Kuwento nito, wala umanong social media account ang kanyang ama, ngunit nakita ng kanyang kaibigan na mayroong WhatsApp account ito.

Sinubukan itong kontakin ni JK ngunit binlock siya nito.

Dito na nagdesisyon ang ‘Buwan’ singer na itigil ang paghahanap dito.

Ayon pa kay JK, baka mayroon na itong pamilya at ayaw niya maging parte siya nito.

Pinalaki si JK ng kanyang lola at tiyo sa Cebu.

Iniwan siya ng kanyang ama noong siya’y sanggol pa lamang at ang kanyang ina ay namatay ng maaga dahil sa sakit na cancer.