Jinkee Pacquiao namigay ng P100,000 sa mga subscribers

Inanunsiyo ni Jinkee Pacquaio nitong Martes na mamimigay siya ng P100,000 para pasalamatan ang kanyang YouTube subscribers.

Sa kanyang Instagram, pinost nito kung paano magkaroon ng tsansang manalo ng cash prize.

“I am giving away P100,000 to be used for groceries or back-to-school money for your kids. Just do these three easy steps: go to my YouTube channel then like, subscribe, and hit the notification bell button.”

Nagsimula mag-vlog ang misis ni boxing champ Manny Pacquiao nitong 2019, at bigyang sulyap ang kanilang buhay.

Sa ngayon ay mayroon na ito 615,000 subscribers sa YouTube.