Jinkee Pacquiao plantdoña

“Certified #PlantDoña! Ito ang taguri ngayon sa misis ni Boxing champ at Senador Manny Pacquaio na si Jinkee.

Isa si Jinkee sa nangabog sa social media sa pag-post ng naggagandahang mga tanim na nauuso ngayong pandemic na gawin.

Higante pero naggagandahang indoor plant ang entry ni Jinkee.

Ang pinagkakaguluhang tanim ni Jinkee ay naka-post sa kanyang IG at may ganitong caption:

When you woke up this morning, God gave you a gift called “today”. Always remember how precious this gift is because you can never get back the time that has gone by.”

Usap-usapang mahal ang nasabing klase ng mga tanim ni Jinkee dahil nagkakahalaga ito ng halos P30K.

Kaya isang grupo ng mga certified plantito at plantito na “Plant Hub Philippines” ay kinoronahan si Jinkee bilang “PlantDoña”.