Gusto mo bang mapanood sa isang Hollywood movie ang K-Pop idol mong si Park Jimin ng BTS?
May posibilidad na magkatotoo ito kung pagbibigyan ng BTS ang Hollywood film director na si Gus Van Sant na makatrabaho si Jimin. Sa interview ng isang British magazine sa award-winning film director, tinanong ito kung sino ang isang actor na gusto niyang makatrabaho at binanggit nito si Jimin.
“He’s not really an actor, but sometimes I see people that have a kind of peaceful thing about them that I like, and right now that person would be Jimin from BTS,” sabi ni Gus Van Sant na siyang nasa likod ng award-winning films na “Good Will Hunting” at “Elephant.” “I’d love to photograph him too, but maybe that’s something for the future?” ayon pa sa director.