Ji Chang-wook nag-positibo sa COVID-19

Nagkaroon ng COVID-19 si South Korean actor Ji Chang-wook habang nagsho-shoot ng kanyang upcoming Netflix series The Sound of Magic.

Ayon sa mga report ay nasa isolation na ang aktor matapos magpa-test at makuha ang positibong result.

Agad na itinigil ang production matapos makumpirma na si Chang-wook at isang staff member ay nagpositibo sa coronavirus.

Ang co-stars naman ng aktor na sina Hwang In-youp at Choi Sung-eun ay nagnegatibo sa test.

Nakilala si Chang-wook sa kanyang pagganap sa Healer, The K2, Empress Ki at Lovestruck in the City.