Ji Chang-wook Fan Meeting Tour in Manila, 2020

Kasama ang Pilipinas sa fan meeting tour ni Ji Chang-wook ayon sa kanyang talent agency Glorious Entertainment.

Inanunsiyo ngayong Huwebes, Nobyembre 13 na magkakaroon ng “Ji Chang Wook Asia Fan Meeting Tour <Waiting for you>” dahil sa patuloy na pagsuporta ng mga fans.

“Starting in January 2020, it will be held in 7 countries including Korea, Taiwan, Singapore, Thailand, Indonesia, Japan and the Philippines,” sey ng kanyang agency.

Wala pang exact date kung kailan magaganap ang kanyang fan meeting.

Sa ngayon ay ongoing ang Korean Drama na pinagbibidahan ni Ji na “Melting Me Softly” kasama sina Won Jin-ah and Yoon Se-ah.