Pagbati lang ang intensyon ng aktres na si Jessy Mendiola kay Andi Eigenmann na nagbahagi ng kanyang engagement sa nobyong si Philmar Alipayo.
“Congrats yo guys,” pagbati ni Jessy na kamakailan lang ay nanggulat na engaged na rin sila ng nobyong si Luis Manzano.
Pero ang simpleng greetings ng aktres kay Andi ay nagdulot ng sangkatutak na negatibong komento.
Kung anu-anong masasakit na salita ang binitiwan laban kay Jessy at tinawag pa itong gold digger dahil iniwan na umano si Luis pero binalikan pa dahil sa mamahaling engagement ring.
Nagmistulang boxing arena ang wall ni Andi dahil sa palitan ng maanghang na komento ng mga pro at anti-Jessy.
Nariyang akusahan si Jessy na mang-aagaw at kung anu-ano pang kanegahan.