Pinasubasta ni Jericho Rosales ang ilan niyang motorcycle gear para sa fundraising na binuo ni Drew Arellano.
Ang online fundraiser na ‘Drew’s Closet’ ay nagsimuka noong April 18 at ang kanilang first guest ay si Matteo Guidicelli.
Lahat ng malilikom sa auction ay mapupunta sa mapipiling charity ni Echo.
Sa unang episode ng fundraise, nakalikom ng P17,800 si Drew sa anim na pre-loved items ni Guidicelli at mapupunta ito sa PUSOkitchen, na nagbibigay ng makakain sa mga pamilya sa Barangay Calawis, Antipolo City sa gitna ng COVID-19 pandemic.