Jeep, bus, UV bawal pang bumiyahe

Hindi pa makakabiyahe ang mga jeep, bus, UV at iba lang public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila sa ilalim ng modified enhanced community quarantine kundi mga shuttle service lamang na ipo-provide ng mga bubuksang negosyo.

Ito ang pahayag ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) Chair Atty. Martin Delgra.

Gayunman kung kukulangin aniya ang shuttle services ng mga kompanyang pinayagang mag-operate ay saka ikukunsidera ang PUVs pero ngayon inaayos pa ang mga ruta.

Ang mga bus ayon pa sa LTFRB official ang papayagan para mas maraming pasaherong maisasakay.

Idinagdag pa ni Delgra na kailangan pang mag-secure ng special permit ang mga bus lara makabyahe kahit may modified ECQ.