Inamin ni JC Santos ang mga balitang magiging tatay at kasal na siya sa kanyang girlfriend na si Shyleena Herrera.
Sa press conference ng “On Vodka, Beers, and Regrets” na pinagbibidahan nila ni Bela Padilla, sinabi nito na ‘best year’ sa kanyang ang 2019 para sa kanyang career at personal na buhay.
Nakita muli ni JC ang kanyang ‘high school crush’ at ilang buwan lang ay nag-propose na siya dito. Kinasal sila ni Shyleena noong September at darating na ang kanilang panganay sa susunod na buwan.