Jay-R, Mica Javier ikinasal sa Boracay

Ikinasal na si singer Jay R at actress-singer Mica Javier sa isang beach ceremony sa Boracay, Lunes, March 1.

Sa post ni Mica sa kanyang Instagram account, naka-suot ito ng v-neck gown habang ang kanyang asawa ay naka-white suit.

Jay-R Mica Javier Wedding

“Mr. & Mrs. JayR and Mica Javier Sillona [heart emoji] Happiest day of my life. So grateful. So much love.”

Ilan sa celebrity guests ay sina Coleen Garcia, KC Concepcion, Kylie Versoza at Billy Crawford.

Nag-engage ang dalawa noong October 2018, matapos ang kanilang five year relationship.