Jay Contreras, Sarah Abad hiwalay na ba?

Jay Contreras Sarah AbadMaraming netizens ang nagtaka kung hiwalay na nga ba sina Kamikazee vocalist Jay Contreras at kanyang asawang si Sarah Abad.

Ito ay matapos mag-post si Jay ng picture ni Sarah sa kanyang Instagram at binati ito ng “Happy Mothers Day we Love You.”

Sagot naman ni Sarah, “It may not be the same between us, but I’ll be forever grateful for giving me 2 wonderful angels. Thank u.”

Dito na nagkaroon ng espekulasyon na hiwalay na ang dalawa.

Mayroon silang dalawang anak na sina Kidlat Caia, 14, at Isla Eunan, 10.

Ikinasal sila sa Paco, Manila noong Enero 2009 sa isang ‘black wedding.’