Janitor top 7 sa Licensure Examination for Teachers

Teacher, studentNakamit ni Abzonie Reño ng Caraga State University ang top 7 spot sa kalalabas lang na resulta ng Licensure Examination for Teachers.

Nagtapos si Reño ng Bachelor of Science in Secondary Education Major in Mathematics at pinakaunang summa cum laude ng kanilang unibersidad sa Ampayanon, Butuan City.

Hindi naging hadlang ang kahirapan para makamit ni Reño ang kanyang pangarap.

Namasukan ito janitor, baker at security guard para makatapos ng pag-aaral.