Janine Gutierrez family

Throwback ang peg ng post sa Instagram ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez pero ramdam sa kanyang caption ang pagkakilig.

Ibinahagi ni Janine ang family photo nila kasama ang mga magulang na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher Gutierrez.

Siyempre ay kasama rin ang iba nitong kapatid.

Nangyari ang pictorial ayon nga sa caption ni Janine nakaraang taon at kapareho ring petsa ngayon na nagkataong dumaranas tayo ng pandemya.

Pero sa kabila ng sitwasyon ay sobrang happy si Janine dahil nagbalik sa kanyang ala-ala ang panahong magkakasama ang mga magulang na matagal ng magkahiwalay.

Ayon nga sa caption ni Janine: thank you for still giving us our version of together forever.love you mama and papa.