Binasag ng aktres at papapel na Narda sa pelikulang Darna na si Jane de Leon ang usap-usapang wala siyang karapatang maging Pinoy superhero.
Sa panayam kay Jane ni Boy Abunda sa TWBA nitong Lunes (Nobyembre 18) ng gabi sinabi ng actress na kasalukuyang miyembro ng all female dance group na Girlfriends na hintayin na lang nilang ipalabas ang ‘Darna’ na ipo-prodyus ng Star Cinema.

Makahulugang pahayag ni Jane nang hingan ng reaksiyon patungkol sa birada ng kanyang mga basher.
“Watchout.”
Nilinaw din ni Jane na hindi totoong maldita siya tulad ng kumakalat.
“Hindi totoo, lumalaban ako sa tama,”paliwanag ni Jane.
Gayunman ay sinabi ng aktres na hindi niya inaasahang mapupunta sa kanya ang proyekto.