Inamin ni Jane de Leon na may crush siya sa fellow Kapamilya artist na si Paulo Avelino.
Sinabi niya ito sa press conference ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na kung saan isa siya sa bagong cast members ng action-drama series.
Tinanong ang aktres kung sino ang gusto niya maging love team partner kung siya papipiliin.
“Si Paulo Avelino pa rin. Kasi ewan ko, alam ba niya? Alam niya yata. Siguro naman alam niya na crush ko siya. Siya ang celebrity crush ko, si Paulo,” sey ni Jane.
“Given na po na guwapo po si Paulo, pero pagdating po sa acting sobrang galing po talaga niya. Kaya ‘yon po ‘yung isa sa reason kung bakit gusto ko po siya makaeksena,” dagdag pa niya.
Aside sa “Ang Probinsyano,” nagpe-prepare na rin siya sa long overdue na ABS-CBN ‘Darna’ project.