James Reid kasama sa international concert

Isa si singer-actor James Reid sa international performers sa upcoming virtual concert na layon pagsamahin ang mga Asian artist at leaders para sugpuin ang racism sa Asian communities sa panahon ng COVID-19 outbreak.

Inanunsiyo ni James sa kanyang Instagram nitong Martes ang kanyang participation sa ‘Identity: Project Blue Marble.’

Ang Project Blue Marble ay eight-hour live streaming event na gaganapin sa May 30.

Ang malilikom na donasyon ay mapupunta sa United Way, isang US non-profit group na namamahagi ng protective gear, pagkain at financial support.

Ang COVID-19 na nagmula sa Wuhan, China, ay nagpataas ng racism-related incidents sa mga Asyano, ayon sa Human Rights Watch.