James Reid binenta ang bahay nila ni Nadine

Isang buwan matapos ianunsiyo ni James Reid at Nadine Lustre ang kanilang breakup, binibenta na ng singer-actor ang kanilang bahay sa Quezon City.

“My house is for sale!” caption ni James sa kanyang Instagram story.

Ang dating love nest ng dalawa ay mayroong seven bedrooms, dalawang large kitchen at soundproofed recording studio.

Una nang napabalita na nagsasama sila sa iisang bubong noong 2017 ngunit nung nakaraang taon lang nila ito inamin.

Naghiwalay ang dalawa noong January dahil gusto nilang mag-grow as individuals.