Spotted ang ex-couple na sina James Reid at Nadine Lustre na magkasama sa isang restaurant sa Quezon City.
Patunay ito na walang masamang tinapay sa pagitan ng dalawa.
Kumalat ang litrato ng dalawa na magkasama sa isang Korean restaurant sa Loyola Heights nitong Marso 3.
Makikita na nagkukuwento si Nadine habang nakatingin si James sa kanya.
May iba pa silang kasama na kumain sa nasabing restaurant.