Iwas si Jairus Aquino sa pagbibigay ng komento tungkol sa pagkakasangkot nito sa isyu nina Alexa Ilacad at Nash Aguas.
Sa isang movie presscon, nabanggit ni Alexa noong October 24 na nakaranas siya at si Jairus ng pambu-bully sa kanilang co-stars sa “Goin’ Bullit” na sina Nash at Sharlene San Pedro noong silay magkakasama pa sa show.

Sa interview ng Philippine Entertainment Portal kay Jairus, saad nito na hindi na siya maglalabas ng storya dahil lalo lang umano magkakagulo.
Naiintindihan naman niya kung ano ang nararamdaman at kung saan ang pinanggagalingan ng sama ng loob ng aktres.
Nakiusap si Jairus na wag na lang umano palakihin ang issue dahil masaya na siya sa trabaho na mayroon siya at sa buhay niya ngayon.